By: Zero Majin
Epilogue:
Naramdaman mo yung pakiramdam na huli na ang lahat?
Huli nang malaman mong mahal mo na pala ang iyong kaibigan,
Huli na dahil tinuruan mo na ang sarili mong mag move on dahil alam mo yan ang nararapat,
Ang pakiramdam na binuhusan ka ng tubig na galing sa Antartic Ocean, ang tanong sa isip mo na kung sya na ba talaga?
Pero sa bandang huli gusto mong alamin ang sarili mo; ang buong pagkatao mo—Heto ang Storya ko..
Act.I “The Clown”
Ako pala si JC (Palayaw ko lang po) nakatira dito sa Alabang, masasabing may alam sa buhay dahil maagang naghiwalay ang mama at papa ko; Panganay sa tatlong magkakapatid, at ngayon ay nasa kursong Industrial Psychology, madali akong makakuha ng mga kaibigan, dahil ang sabi nila saken na ako ang nag iisang clown ng tropa, kulang ang pag gala namin kapag wala ako, ako ang taong mabait, makulit, pasaway, tamad, pilyo, sarkastiko, at laging straight forward magsalita.
Wala akong sinasabihan ng sikreto kungdi ang aking nag iisang best friend na si roan, mahigit 16 years na kaming magkakilala, sabi nga nila sa amin na alam na naming ang mga sikreto ng isa’t- isa, sa una sinubukan kong ligawan sya, pero hindi ito nag work-out dahil talagang magkapatid na ang turingan naming dalawa, kahit ang mama ko at parents nya ay tinuring na kaming mga anak.
15 pa lang ako ay naramdaman ko na ang kakaibang nararamdaman sa kapwa ko kasarian, pero nilabanan ko iyon at tinago ang aking problema sa loob ng bahay, ang angkan namin ay nagmula sa bayan ng Laguna, kilala kami sa angkin katalinuhan at tanyag ang aming angkan sa larong basketball—pero hindi ko sinusunod ang tradisyon naming hanggang sa ngayon, dahil alam kong mahihirapan lang akong tanggapin ang mga iyon.
Isa akong transfree nun galing sa isang relihiyosong private school napalipat ako sa isang private coEd institution at dun na akong makaramdam ng paghanga sa aking classmate na lalaki.
Nasa kasagsagan ng lunch break ang lahat at ako lagi ang hindi nalabas sa classroom kasi hindi ko gustong makakita ng ibang tao, andun lang ako sa aking upuan nakain, at biglang pumasok ang classmate kong si Zander (hindi nya tunay na pangalan), hinahangaan ko sya dahil magaling sya sa taekwondo.
“JC andito ka nanaman? Bakit ayaw mo bang bumaba at sumali sa food trip ng ibang classmate natin?” tanong nya saken.
“Ah salamat na lang pero hindi pa ako sanay sa coEd eh, pagpasensyahan nyo na lang ako.” Magalang kong tugon sa kanya.
Pumasok ito sa CR (Set up ng classroom namin ay may CR para hindi na magpalabas labas ang mga estudyante), at tinapos ko na ang aking pagkain ng lunch ko, niligpit ko na ang pinagkainan ko at nilabas ang notebook at book para sa advance reading, nang nagsipasok na ang tropa ni Zander sa classroom; si RJ at si Brian.
“Nerd nakita mo ba si Zander?” maangas na tanong ni Brian
“Nasa CR napansin kong pumasok dun eh” Sagot ko na may pagka irita sa kanya.
At pumasok na ito sa CR kung saan andun si Zander, hindi na ako makapag focus ng ginagawa ko dahil sa ingay nila dun sa loob ng CR(may maliit na espasyo kasi dun kung saan pwede kang tumambay muna), hindi na ako makapag pigil at dali dali kong kinuha ang gamit ko at pumunta na sa library para dun ako makapag basa ng maayos.
At nakapunta na ako ng library kung saan katapat nito ang pintuan ng 4th year, kung saan andun si Ace (Isang FilAm student na hilig ang larong basketball) pero hindi ko na lang pinansin ito at tumuloy sa upuan kung saan hindi ako mapapansin ng karamihan, nakita ko ang mga kapwa estudyante ko dun, may 1st year na nagbabasa ng Harry Potter books, 2nd year na nagawa ng Romeo and Juliet na book report, at sa hindi inaasahang oras andun din si Ace na nagawa ng project nya sa PE, sya ang nakakapagpatigil ng oras ko, may mga katangian si Ace na biglang nagpapabilis ng tibok ng aking dibdib, hindi ko pa alam ang salitang silahis nun pero sa totoo lang naging silahis ako dahil sa kanya, si Ace Christian Rodgeman ang versatile varsity player, lahat ng sports alam nya, mabait, makulit, matulungin, at higit sa lahat gwapo.
Hindi ko na lang namalayan na nakatitig ako sa kanya, at bigla itong lumapit sa akin.
“3rd year ka diba?” tanong nya sa akin.
“siguro napansin nya color ng necktie ko!” sabi ko sa aking sarili.
“huh? Ah… Eh… Opo!” gulat kong reaksyon dahil hindi ako talaga mahilig na makipag usap sa mga tao at bago pa lang sa akin ang makapasok sa isang CoEd na school.
“So bakit ka tulala sa akin kanina?” tanong ni Ace sa akin.
“PO?! Ah… Eh… kasi po…” kahit na matalino ako hindi napasok sa akin kung paano dipensahan ang sarili ko.
“Ano?” malumanay na tanong ni Ace.
At nakakita na ako ng butas.
“Kasi po tinitignan ko po yung ginagawa mo pong Bean Ball, astig po kasi eh, ngayon ko lang po nakita yung ganyan” sabi ko sa kanya.
“Ah! Yung bean ball ba talaga ang tinitignan mo?” sarkastikong biro ni Ace sa akin.
“Kuya totoo naman po eh, at saka bakit ano pa ba titignan ko? Ikaw? Eh hindi naman ako bading!” sabi ko sa kanya na may pagtatanggol sa sarili na hindi ako bading.
Napangiti na lang sya sa akin at tinanong ako.
“Bakit ka pala nandito?”
“Maingay po kasi yung tatlong classmate ko kanina eh, so naisipan ko pong pumasok sa library.” Sabi ko sa kanya, at binuksan ko na yung libro ko.
“Can I seat with you? Para may kausap naman ako, and besides wala pa naman ang librarian, kaya pwede tayong mag usap.” Sabi nya sa akin
Isang simpleng ngiti lang ang sinagot ko sa kanya, at lumipat na nga sya ng kinauupuan, na sa may sulok kami kung saan matatanaw mo ang puno ng acacia na sumasayaw sa haplos ng malamig at sariwang hangin, maririnig mo ang mga ibon nagkakantahan sa puno, isang relaxing na library ang oras na yun.
“So JC anong mga hilig mo?” tanong sa akin ni Ace at laking gulat ko kasi hindi ko pa naman sa kanya sinasabi ang pangalan ko.
“Paano—“ tanong kong naudlot dahil may hinawakan sya sa gamit ko.
“Sorry for being rude, John Cassanova po, transfree po ako, galing sa all boys school malapit sa amin.” Sabi ko at ngumiti lang sya.
“Ace Christan Rodgeman pala, isa ako sa mga versatile varsity ng campus” ginantihan ko lang ng isang ngiti at tango.
“So kuya Ace tinanong mo ako kung ano hilig ko? I play basketball a lot nung nasa all boys school pa ako, pero ngayon po madalang na kasi nga po I need to cope up sa new environment ko, si mama kasi ang nagpilit sa akin na pumasok here, so I try it and ang dami ko pang hindi nalalaman, kasi po naiilang po ako sa classroom especially halo halo po kami” sabi ko sa kanya.
“So Player ka pala, well we need a member sa basketball team, and you are lucky kasi ako ang team captain this school year, no need para magparegister ka pa, ako na sasagot nun!” sabi ni Ace.
Ngumiti na lang ako at nagpatuloy kami sa aming mga ginagawa, hindi ko namalayan na 5 minutes na lang at babalik na ang mga classmate ko sa classroom kaya tinapos ko na ang mga ginagawa ko at nagpaalam kay Ace.
Nakapasok na ako ng classroom at nakita ko si Anne na katulad ko din na galing sa All-girls school naman, nagkatitigan kami at ngumiti na lang ako tanda ng pagkakaintindihan namin na ibig sabihin na wala pa ang mga classmate namin.
Nag ring na at isa isa nang nag akyatan ang mga classmate namin.
Pumasok na ang subject teacher namin sa chemistry at nag umpisa nang mag turo.
We conducted a fieldtrip for science, since you are in my class, I need to have two students who are willing to go with the team.
Sabi ng subject teacher namin.
And based on your class record Mr Cassanova and Mr Bautista are the two students joining our educational trip with the 4th year team.
Hindi na lang ako umimik ganun din si Zander.
Please give this waiver to your parents so you are under my responsibility, is that clear?
Sabi ng subject teacher naming,
Tumaas ako ng kamay para may itanong, at napansin nga ito ng teacher namin.
“May I ask a question mam? What if you have your own car? Can a student bring that?”
If you have your own vehicle Mr Cassanova, you could bring that, but you need first to sign your waiver and bring that to me.
Tumango na lang ako at umupo na.
Naging mainit ang pagtuturo ng teacher naming sa chemistry, dahil mahirap talaga kapag hindi mo nakuha agad ang tinuturo nya.
Natapos na ang subject ng chemistry at biglang pinuntahan ako ni Zander sa upuan ko.
“Hey tayo pala ang magkasama sa field trip, so anong balak mo?” tanong nya sakin.
“As what you’ve heard earlier, I need to pass this tomorrow to the science club head, and I’ll bring my vehicle.” Sagot ko sa kanya na may konting pagseseryoso.
“Oh~! Ganun ba? Sige sa Friday na lang” at ngumiti lang sya.
Natapos na din sa wakas ang aming class sa araw na yun!
dumerecho na ako sa parking lot at agad kong binuksan ang compartment para ilagay ang mga gamit ko dun, nang biglang may tumapik sa likod ko.
(Itutuloy)